Kasalukuyang nagpapatuloy ang helibucket operations ng 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force (PAF) para tuluyang maapula ang forest Fire sa Itogon, Benguet.
Sa huling ulat ngayong hapon ni PAF Spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, nasa 60 porsiyento na ng sunog ang naapula sa tulong ng pagsasaboy ng tubig ng 2 PAF choppers na kanilang dineploy.
Ayon kay Col. Castillo, 50 ektarya ang sakop ng sunog na nagsimula noong Enero 26 kung saan apektado ang mga baranggay ng Dalupurip and Tinongdan.
Sa ngayon aniya ay nagsasagawa ng helibucket operations sa nalalabing 30 ektaryang apektado ng sunog.
Mahigpit na nakikipagtulungan sa Bureau of Fire Protection Itogon ang PAF sa pamamagitan ng Tactical Operations Group 1, sa ilalim ng Tactical Operations Wing Norther Luzon, upang makamit ang 90 porsyentong containment ng sunog bago ito ideklarang “Under Control.” | ulat ni Leo Sarne