Umabot sa halos ₱8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU6) sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Malipayon-Delgado, Iloilo City.
Arestado sa operasyon si Erwin Guillergan at Kim Jaena, pawang mga residente ng distrito ng Lapaz, Iloilo City.
Nakumpiska sa operasyon ang mahigit 1.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱7,956,000.
Sa monitoring ng kapulisan, high value target ang dalawang naaresto sa operasyon.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng City Proper Police Station ang mga arestado at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa pagkaaresto sa mga suspek, pinuri ni PRO6 Director Sidney Villaflor ang operating units dahil napigilan na naman ang pagkalat ng iligal na droga sa Western Visayas.
Ayon kay Villaflor, bunga ito ng kanilang husay at dedikasyon sa katungkulan na resolbahin ang problema ng iligal na droga sa rehiyon.
Pinasalamatan din ng opisyal ang mga mamamayan sa patuloy na suporta sa kapulisan para maging drug-free ang Western Visayas. I ulat ni Paul Tarrosa, | RP Iloilo