Pinangunahan ni Philipppine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang presentasyon at pag-bendisyon sa halos kalahating bilyong pisong halaga ng bagong kagamitan ng PNP sa Camp Crame ngayong umaga.
Kasama rito ang: 143 4X2 patrol jeeps; 11 light motorcycle 150cc dirt bike; 5 heavy motorcycle 650cc; 3,243 striker fired 9mm pistol; 406 autogated night vision goggles; at 2,648 tactical vest.
Maliban sa mga ito mayroon ding 8,105 na bagong raincoat ang PNP at 956 na gulong.
Ang huling batch ng mga bagong biling gamit ay may kabuuang halagang P485 milyon.
Ang mga kagamitan na nakatakdang ipamahagi sa iba’t ibang Police Regional Offices (PRO) ay inaasahang magpapalakas sa kapabilidad ng mga pulis. | ulat ni Leo Sarne