Nakararanas ng aftershocks ang ilang bahagi ng Davao Occidental kasunod ng tumamang Magnitude 6.7 na lindol sa munisipalidad ng Saranggani kaninang madaling araw.
Sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), as of 7am ay mayroon nang 38 aftershocks ang naitala.
Mula rito, walo ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon.
Wala namang pagyanig ang naramdaman ng mga residente.
Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 2.5 hanggang 3.8.
Una na ring sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan pa ang mga aftershock kasunod ng pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa