Higit 44,600 business establishments, sumailalim sa Tax Compliance Verification Drive ng BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 44,611 business stablishments sa buong bansa ang sumailalim sa Nationwide Tax Compliance Verification Drive ng Bureau of Internal Revenue nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., natuklasan ng kawanihan ang mga karaniwang paglabag sa iba’t ibang negosyo.

Bunga nito, tinuruan ang mga taxpayer kung paano maging compliant sa tax laws at regulations at hindi para sila ay parusahan.

Naniniwala ang BIR, na kapag naiimpormahan ang isang taxpayer sa kanyang tax obligations ay sumusunod naman ito.

 Sa dalawang araw na operasyon, binisita ng BIR examiners ang iba’t ibang business establishments sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ilan sa mga natuklasang paglabag ng mga business stablishment ang kabiguang i-display ang kanilang Certificate of Registration, kabiguang ipakita ang kinakailangang “Notice to Issue Receipt/Invoice (NIRI),”at hindi sumusunod sa obligasyong irehistro ang kanilang books of accounts at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us