Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na 1,772 pamilya o higit 6,000 indibidwal na apektado ng malalakas na ulang dala ng trough o extension ng low-pressure area (LPA) sa Mindanao.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Region 11 at CARAGA.
Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, January 30, mayroon nang 163 na pamilya o katumbas ng 500 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa 13 evacuation centers habang nasa siyam na pamilya naman ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DSWD na sapat ang pondo nito para umayuda sa mga apektado ng pag-ulan.
Sa kasalukuyan, mayroon pang kabuuang ₱3.9-billion ang hawak na relief resources ng ahensya kanilang ang stockpile ng food at nonfood items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa