Ipinauubaya ng House Committee on Dangerous Drugs sa nilikhang technical working group na naatasang pagaralan ang panukalang amienda sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang paglilinaw sa safekeeping ng mga mahuhuling drug evidence.
Sa pagdinig ng komite sa House Bill 7094 o agarang pagsira sa makukumpiskang illegal drugs ni Ilocos Rep. Ronald Singson, natalakay ang tamang proseso o sistema ng safekeeping ng ebidensya.
Paliwanag ng resource person mula PDEA, matapos madala ang “evidence sample” sa pagsusuri ng forensic chemist at ma-inspect ng kinatawan ng korte ay dapat itong madala sa pangangasiwa ng PDEA na siyang magsasagawa ng pagsira nito.
Ibinahagi rin ng PDEA sa committee na sa ngayon at nahihirapan sila sa atas ng korte na iimbentaryo ang lahat ng mga evidence sample bago ang pagsasagawa ng pagsira ng mga nakukumpiskang illegal na droga.
Anila, kulang din ang forensic laboratories ng ngayon ng PDEA dahil sa ngayon anya ay kailangan pang ipadala ang samples sa kanilang mga regional offices.
Samantala, hiniling ni Committee Chari Robert Ace Barbers sa kanyang mga kasama sa committee na suportahan ang kanyang panukalang batas ang HB 9668 na imandato sa mga incineration facilities kabilang ang mga crematorium na magbigay ng libreng sebisyo para sa pagsira ng mga nakumpiskang droga ng anti-illegal drug operation.
Paliwanag ni Barbers, ito ay upang matiyak na hindi na maipon ang imbentaryo ng mga ebidensya at hindi na muling narerecycle ang mga mahuhuling droga sa kalsada. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes