Muling nagkasa ng operasyon ngayong araw ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group sa kahabaan ng EDSA.
Kabilang sa pinostehan ng mga tauhan ng MMDA ay ang Northbound lane ng EDSA Ortigas – Corinthians (pagbaba ng flyover), EDSA Megamall Northbound at EDSA Pioneer Southbound.
Nagresulta ito sa humigit kumulang 30 mga sasakyan ang nasita ng MMDA kung saan, 26 ang lumabag sa pagdaan sa EDSA Busway habang ang iba naman ay dahil sa paglabag sa number coding scheme.
Paalala naman ng MMDA, umiiral ang number coding para sa mga plaka ng sasakyang nagtatapos sa mga numerong 3 at 4 habang mahaharap naman sa kaukulang multa ang mga mahuhuling dumaraan sa busway. | ulat ni Jaymark Dagala