Iba’t ibang unit ng PNP, ginunita at binigyang pugay ang naging kabayanihan ng tinaguriang Gallant 44

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghandog ng kani-kanilang pagpupugay at paggunita ang iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP) para sa natatanging kabayanihan ng 44 na miyembro ng Special Action Force o SAF na nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Ito’y kaalinsabay ng ika-9 na anibersaryo ng kabayanihan ng tinaguriang SAF-44 at ika-7 National Day of Remembrance para sa kanila.

Naka-post sa mga social media page ng iba’t ibang himpilan ng Pulisya maging ng opisyal na page ng SAF ang larawan ng Gallant 44 na nasawi matapos ang ikinasang “Oplan Exodus” sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Maguginitang napintakasi ang mga SAF trooper na aaresto sana sa kilabot na International Terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan subalit humantong ito sa madugong engkuwentro makaraang mapatay ang kanilang pakay.

Taong 2017 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara sa January 25 ng bawat taon para alalahanin ang mga naging sakripisyo ng SAF-44 para labanan ang terorismo sa bansa.

Matapos ang madugong pangyayari noong 2015, isa ang noo’y Senador na ngayo’y Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga unang sumalubong sa labi ng mga yumaong sundalo sa Villamor Airbase sa Pasay City.   | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us