Ilang kalsada sa Lungsod ng Pasig, pansamantalang isasara para sa idadaos na 23rd Bambino Grand Parade

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa lungsod.

Ito ay upang magbigay-daan sa idadaos na 23rd Grand Bambino Parade sa Linggo, January 21 simula ala-1 ng hapon.

Batay sa abiso, kabilang sa mga maapektuhang kalsada ang:

– Caruncho Avenue (Westbound)

– Roads 1 at 2

– M.H Del Pilar Street (San Nicolas, Sto. Tomas)

– E. Angeles Street (Sto. Tomas)

– Dr. Pilapil Street (Sagad)

– Dr. Sixto Antonio Avenue (Kapasigan)

– A. Mabini Street (Kapasigan)

– Plaza Rizal Intersection

– P. Burgos Street (San Jose)

– Lopez Jaena Street (Bagong Katipunan)

– Dr. Garcia Street (Sumilang)

– R. Jabson Street (Bambang, Malinao)

Pinapayuhan naman ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe at dumaan sa mga alternatibong ruta.

Humingi rin ng paumanhin ang Pasig LGU sa mga maaabala ng pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada sa lungsod.

Ang Bambino Festival ay taunang selebrasyon sa lungsod kung saan ipinaparada ang imahen ng banal na sanggol na si Hesus. | ulat n Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us