Nagsagawa ng simultaneous disposal ng mga nakumpiskang iligal na mga paputok at pyrotechnic ang Iloilo City Police Office (ICPO) sa Camp Achielles D. Plagata, General Luna Street, sa Lungsod ng Iloilo ngayong Linggo, Enero 7.
Sa pahayag ni Police Lieutenant Colonel Rene Obregon Jr., chief of operations ng ICPO, humigit-kumulang P12,000 ang halaga ng mga paputok at pyrotechnic ang dinispose ng ICPO na nakumpiska ng police stations 1,3,5 at 6.
Ang pag didispose ay ginagawa taun-taon ng ICPO upang matiyak na ang mga paputok at pyrotechnic ay hindi na magagamit at maaaring makapinsala sa mga tao.
Ang mga paputok ay itinurn-over ng ICPO at Bureau of Fire Protection sa Explosive Ordnance Division (EOD) at dinala sa Calajunan dumpsite sa Mandurriao para sa final disposal.l ulat Merianne Grace Ereñeta| RP1 Iloilo