Iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na bumaba ng 42.9% ang mga naitalang kaso ng cyberime sa huling anim na buwan ng 2023.
Ayon kay PNP ACG Director Police Maj. General Sydney Sultan Hernia, 6,385 na kaso ang iniulat sa ACG mula Agosto hanggang Disyembre noong 2023, na malaki ang ibinaba mula sa 14,893 kasong naitala mula Enero hanggang Hulyo sa naturang taon.
Sinabi ni MGen. Hernia na ito ay direktang resulta ng pag-deactivate ng mga hindi rehistradong SIM card na sinimulan noong Hulyo 26, 2023, alinsunod sa pagpapatupad ng RA 11934 o SIM card Registration Act.
Binigyang diin ni MGen. Hernia na mahalagang magkaroon ng komprehensibong stratehiya na pagsasamahin ang teknolohiya, mga legal na panuntunan, edukasyon, at kolaborasyon ng mga kinauukulang ahensya upang makontra ang banta ng cybercime. | ulat ni Leo Sarne