Ideneklara ng Malacañang na special (non working) day ang January 9, 2024 (Martes), sa Lungsod ng Maynila, upang bigyang daan ang selebresyaon ng Pista ng Itim na Nazareno.
Sa January 9 idaraos ang Traslacion para sa pista.
Sa ilalim ng Proclamation no. 434, nakasaad na ang hakbang na ito ay upang mabigyan ng oportunidad ang mga residente ng Maynila at mga deboto ng Itim na Nazareno na ganap na makibahagi sa okasyon.
Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang proklamasyon ika-4 ng Enero, 2024. | ulat ni Racquel Bayan