Magtutulungan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at National Anti-Poverty Commission para isulong ang mga programa at proyekto para sa kapakanan ng mga mangingisda sa bansa.
Isang kasunduan ang nilagdaan na ng BFAR, NAPC at ng Artisanal Fisherfolk Sectoral Council (AFSC) para dito.
Magsisilbing daan umano ito para mapanatili ang pagtutulungan ng magkabilang panig sa pagtataguyod ng mga programa ng pamahalaan sa fisheries sector.
Nakasaad din sa kasunduan, ang BFAR bilang lead agency ay maglalaan ng P2 million support fund at aako sa trabaho at financial plan kasama ang project proposals ng NAPC-AFSC para sa taong 2024.
Nagpasalamat naman si NAPC Vice Chairperson for the Basic Sectors Ruperto Aleroza sa BFAR hinggil sa walang sawang pagtulong para maiangat ang kabuhayan ng milyong mangingisda sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer