Muling aarangkada bukas ,araw ng Biyernes ang mga Kadiwa store sa Las Piñas City.
Ayon sa Las Piñas City Agriculture Office, matatagpuan ito sa mismong city hall na magbubukas ng alas-7 ng umaga at magsasara ng alas-5 ng hapon.
Mayroon din sa Southland Estate sa Brgy. Talon Uno na magbubukas naman ng alas-6 ng umaga at magsasara agad ng alas-12 ng tanghali.
Pagsapit naman ng Sabado, lilipat ang Kadiwa sa Las Piñas sa Sto. Kristo Parish Church sa Soldier Hills 2 sa Almanza Uno.
Gayundin sa Casimiro Village Phase 2 sa Pamplona Tres at Royal South Subdivision sa Talon Singko.
Samantala, para malaman ang iba pang schedule ng Kadiwa, bisitahin lamang ang official Facebook page ng naturang lungsod. | ulat ni AJ Ignacio