Kinilala ni 3rd Infantry Division (3ID) Commander Major General Marion R Sison ang kagitingan ni Private First Class Rodelo Alfanza ng 61st Infantry Battalion na nagalay ng ultimong sakripisyo sa pagtatanggol ng mga mamayan ng Tubungan, Iloilo laban sa mga teroristang komunista.
Si Pvt. Alfanza ay nagtamo ng tama sa leeg nang makasagupa ng kanyang unit ang 15 miymebro ng NPA sa Brgy Igpaho, Tubungan nitong Martes.
Agad isinugod si Pvt. Alfanza sa ospital sa Iloilo City, kasama ang isa pang sugatang sundalo, pero idineklara siyang dead on Arrival.
Nagpahayag ng pakikiramay si MGen. Sison sa mga iniwan ni Pvt. Alfanza, kasabay ng pagpapasalamat sa walang pag-iimbot na serbisyo ni Pvt. Alfanza sa mga mamayan ng Western and Central Visayas.
Ayon kay MGen. Sison, ang sakripisyo ni Pvt. Alfanza ay testamento ng commitment ng 3ID na wakasan na ang mga teroristang komunista sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Leo Sarne