Kaso ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon, nais nang matuldukan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na makukumbinsi na rin nila ang isa sa mga naarestong suspek sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon na tumayo bilang state witness.

Ito’y para ganap nang matuldukan ang kaso ni Camilon at mapawi na rin ang matagal nang agam-agam ng pamilya nito hinggil sa kaniyang kasalukuyang kalagayan.

Pero pag-amin ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Police Major General Romeo Caramat Jr., habang tumatagal ay lalong lumiliit ang tsansa na makita pang buhay si Camilon.

Gayunman, binigyang-diin ni Caramat na hindi pa rin naman sila bumibitaw sa pag-asang matagpuan pa ring buhay ang beauty queen mula sa Batangas.

Kaya naman, sinabi ni Caramat na patuloy ang ginagawa nilang pangungumbinsi sa tumayong driver na si Jeffrey Magpantay para lumabas na ang katotohanan sa kaso.

Samantala, sinabi ni Caramat na nakikipag-ugnayan na sila sa Bureau of Immigration para makapagpalabas ito ng Hold Departure Order laban naman kay dating Police Major Allan de Castro na una nang nakalaya matapos makapaglagak ng piyansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us