Muling binuksan ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas ang libeng kursong hatid ng lungsod sa mga nais mag-enroll para sa ikalawang semester sa Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College of Las Piñas.
Ayon sa Las Pinas City Local Government, ang libreng kursong hatid ay ang mga sumusunod: BS Accountancy, BS Business Administration Major in Financial Management, BS Business Administration Major in Marketing Management, at BS Business Administration Major in Human Resource Management.
Bukas ang enrollment period mula alas-8 ng umaga hangang alas-4:30 ng hapon.
Ang libreng college education program na ito ay sinimulan noong panahon pa ni dating Mayor Nene Aguilar, at mas pinaigting pa nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, upang magkaroon ng mas magandang kinabukaan ang mga kabataan sa Las Piñas. | ulat ni AJ Ignacio