Las Piñas LGU, namahagi ng libreng pneumonia vaccine sa senior citizens sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas maging ligtas ang mga senior citizen sa pneumonia dahil ngayon ay malamig ang klima ng bansa, namahagi ng libreng bakuna ang Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas para sa pneumonia sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Ayon sa Las Piñas Public Health Office, nasa 1,100 na senior citizens ang nabakunahan ng pneumonia vaccine ng Barangay Almanza Dos at Pamplona Tres.

Personal namang dumalo si Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang naturang pagbabakuna sa mga senior citizen sa lungsod.

Aniya, layon ng kanilang pagbabakuna na makaiwas ang mga senior sa sakit na pneumonia dahil isa ito sa mga sakit ng mga matatanda lalo na ngayong panahon ng taglamig.

Dagdag pa ng bise alkalde, na patuloy naman iikot ang libreng pneumonia vaccine sa ipa pang mga barangay sa Las Piñas. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us