Bahagya pang nabawasan ang lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon sa gitna ng pag-iral ng El Niño.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am, mas mababa na sa kanilang rule curve elevation o normal nitong lebel sa ganitong panahon ang limang dam sa Luzon.
Kabilang dito ang Ambuklao Dam na nasa 751.35 meters, Binga Dam na naitala sa 573.83 meters, San Roque Dam na nasa 251.43 meters ang water elevation, Pantabangan Dam na nasa 193.50 meters, at Magat Dam na nasa 185.11 meters.
Bumaba rin ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa 211.21 meters kumpara sa 211.40 meters kahapon.
Sa kabila nito, nananatiling nasa normal pa rin itong lebel at mas mataas pa rin kumpara sa rule curve elevation.
Dahil dito, hindi pa rin inaasahang magbabawas ng alokasyon ng tubig para sa Metro Manila mula sa Angat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa