Hinikayat ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez ang Commission on Elections (COMELEC) na i-update at linising mabuti ang listahan ng mga botante sa buong bansa.
Sa inihaing nitong House Resolution 1542 sinabi ni Gomez na mahalagang gawin ito ng COMELEC bago ang muling buksan ang Voters’ Registration para sa 2025 Elections.
Punto ni Gomez, magtatagumpay lamang ang sistema kung mayroong malinis na certified list of voters.
Sa kasalukuyang listahan ng botante kasi aniya ay kasama pa rin kahit ang mga namatay na, flying voters, at multiple registrants.
Ipagpapatuloy ng poll body ang Voter Registration simula February 12 hanggang September 30. | ulat ni Kathleen Jean Forbes