Maagang ipinamahagi ng Department of Agriculture Bicol ang mga hybrid at palay seeds sa mga magsasaka sa rehiyon upang nang sa ganon ay maaga silang makapagtanim.
Pinaaga rin ng National Irrigation Administration ang supply ng tubig sa mga irigasyon upang abutin ang mga kapalayan na malayo na sa sistema ng irigasyon.
Ilan lamang ito sa mga praktika ng ahensya para sa paparating na El Niño sa bicol ngayong Marso.
Ayon kay DA Bicol Spokesperson Lovella Guarin, Hunyo nitong nakaraang taon ng magsimula silang magbigay paalala at paghahanda sa mga magsasaka sa rehiyon kaugnay sa posibleng maging epekto nito sa kanilang kabuhayan.
Dagdag pa ni Guarin, aabot sa mahigit 60,000 hybrid seeds ang naipamahagi sa ilalim ng National Rice Program at nito lamang ika-31 ng Disyembre nakaraang taon ay umabot sa 543,291 metric tons ng palay ang naani ng mga magsasaka sa buong Bicol. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay