Mahigit 15,000 mag-aaral sa Luzon, natulungan ng Meralco

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa mahigit 15,000 mag-aaral ang natulungan ng Manila Electric Company (Meralco) sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon.

Ayon sa Meralco, umabot sa P1.5 milyong ang halaga ng mga printer, hygiene kits, at school kits ang kanilang naipamahagi sa mga estudyante sa ilalim ng back-to-school program.

Katuwang ng Meralco sa nasabing programa ang ilang local retail electricity supplier.

Layon aniya nitong mas matulungan ang kabataan at magkaroon ng mas maayos na kinabukasan ang mga ito.

Nangako naman ang pamunuan ng nasabing electric company na ipagpapatuloy ang nasabing inisyatiba upang mas maraming pang matulungang kabataan sa bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us