Mahigit P13-M na halaga ng tulong, naipamahagi na ng DSWD sa Davao Region LGUs na apektado ng shear line

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa mahigit sa P13 milyong halaga ng humanitarian aid ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon ng Davao, na naaapektuhan ng ulan at pagbaha dulot ng shear line. 

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sinabi ni Davao Regional Director Atty. Vanessa Goc-ong, nakapagbigay na ang DSWD Field Office-11 ng 21, 203 family food packs (FFPs) sa mga probinsya ng Davao Del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental. 

Iniulat din ni Director Goc-ong, na ang Davao Field Office ay mayroon nang nakaantabay na distribution points upang mas mapabilis pa ang pamamahagi ng ayuda para sa mga apektadong pamilya. 

Gayundin, upang mas mapabilis pa ang pamamahagi ng tulong in-activate na rin ang lahat ng Provincial Quick Response Teams at Municipal Action Teams sa lahat ng apektadong lugar. 

Sa kasalukuyan, may 3,664 pamilya o 11, 797 indibidwal ang tumutuloy sa may 60 evacuation centers sa Davao Region. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us