Naglabas na ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Makati hinggil sa pagsasara ng health centers ng bawat EMBO barangay na nakapaloob na sa hurisdiksyon ng Taguig.
Ayon kay Makati City Administrator Claro Certeza na matagal nang nakipag-ugnayan ang kanilang lungsod sa Taguig City hinggil sa pagre-renew ng ‘License to Operate’ ng health care centers ng bawat EMBO barangay at alam na nila ang naturang isyu.
Dagdag pa ni Carteza na may inihandang MOA tungkol sa properties na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Makati pati na ang Data Sharing Agreement ngunit walang sagot ang lungsod hinggil dito.
Inaatasan ng DOH ang lahat ng health facilities na nagbibigay ng diagnostic services na kumuha ng ‘License to Operate’, kabilang na ang health centers sa EMBO barangays na mayroong diagnostic services bukod pa sa konsultasyon. | ulat ni AJ Ignacio