Makati LGU, nagsagawa ng handover ceremony sa 5 e-vehicle mula sa Hyundai Motor Philippines

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang makasabay sa pagsusulong ng paggamit ng electirc vehicle sa ating bansa nagsagawa ng handover ceremony ang Lungsod ng Makati katuwang ang Hyundai Motor Philippines sa pagbili ng lungsod ng limang electric vehicle para sa Public Safety Department ng Makati Local Government.

Pinangunahan ni Makati City Mayor Abby Binay ang handover ng limang Hyundai Ioniq na isang fully electric vehicle, na ipapakalat sa iba’t ibang bahagi ng lungsod na binili ng Makati LGU sa Hyundai Motors Philippines.

Kaungay nito, nakatakdang bumili pa ang Makati ng e-vehicle upang maging dagdag sa kanilang fleet at bilang pagsuporta sa e-vehicle campaign ng pamahalaan.

Sa huli nagpalasamat si Mayor Abby sa Hyundai Philippines at sa bansang Korea sa pagkakaloob ng kanilang e-vehicle technologies ng kanilang bansa, at tiniyak pa nito na sa kanila na bibili ng e-vehicle na gagamitin ng Makati City LGU. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us