Pinangunahan ngayong araw ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang turn-over ceremony para sa mga bagong mobile ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng pamahalaang lungsod.
Kabilang dito ang dalawang ambulansya at isang man lift truck.
Isinagawa ang seremonya sa harap ng Malabon City Hall kaninang umaga na bahagi ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng kaarawan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval.
Ayon sa LGU, ang mga sasakyang ito ay magiging dagdag sa anim na ambulansyang ginagamit sa kasalukuyan ng DRRMO sa pagresponde sa iba’t ibang emergency sa lungsod.
Samantala, bukod sa mga bagong sasakyan, nagkaroon din ng “Pangkabuhayan Caravan” ang LGU sa pangunguna naman ng Public Employment Services Office (PESO) kung saan tampok ang isang mini job at help desk para sa OFWs.
Ngayong araw din naka-iskedyul ang inagurasyon ng Malabon E-Learning Center sa Barangay Catmon.
Tampok naman dito ang Integrated Tutoring System na tutulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: Malabon LGU