Nakatakdang magkaroon ng malawakang balasahan sa hanay ng mga matataas na opisyal ng PNP.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isang maikling mensahe sa mga mamahayag kasunod ng Flag-raising Ceremony sa Camp Crame ngayong umaga.
Ang balasahan ay bunsod ng pagkabakante ng pangalawang pinakamataas na pwesto sa PNP, kasunod ng pagreretiro ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia noong Byernes.
Sa ngayon, wala pang order para sa kapalit ni Sermonia, pero base sa taas ng posisyon, si Police Lt. Gen. Michael John Dubria na Deputy Chief for Operations ang kasunod ni Sermonia, na pangatlong pinaka-mataas na opisyal ng PNP.
Habang si Police Lt. Gen. Emmanuel Peralta na Chief Directorial Staff ang kasalukuyang may hawak ng pang-apat na pinakamataas na pwesto sa PNP. | ulat ni Leo Sarne