Nasa 13 hanggang 19 na bagyo lamang ang tinataya ng PAGASA na papasok sa Pilipinas ngayong 2024, sa gitna ng epekto ng El Niño.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAGASA Assistant Weather Services Chief Ana Solis na mas mababa ang bilang na ito, kumpara sa 19 hanggang 20 bagyo na karaniwang dumaraan sa Pilipinas, sa normal na panahon.
Mayroon rin aniyang posibilidad na sa buwan ng Marso hanggang Mayo, muling maitala ang pinakamainit na temperatura sa kasaysayan ng Pilipinas.
Base sa pagtataya ng PAGASA, posible na pumalo sa 40°C na maranasang init sa ilang lugar sa bansa, bukod pa dito ang alinsangan o iyong tinatawag na heat index.
“May possibility din po na itong tinatawag nating warm and dry season months, so iyan po iyong mga March, April, May it could be one of the warmest here so on record natin, one of the warmest kasi mostly po historically iyong ating mga El Niño years, iyon din ‘yung mga mas maiinit iyong temperaturang naitatala natin.” —Solis.| ulat ni Racquel Bayan