Pinaiimbestigahan na ng National Capital Region Police (NCRPO) ang mga case folder ng mga pulis na may kasong administratibo na nawawala.
Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., na kanilang bubusisiin ang mga case folder na nawawala dahil marami pang mga kasong for dismissal at for suspension ang nawawala.
Dagdag pa ng NCRPO Chief, na nasa halos 300 pulis na ang nabigyan ng dismissal order mula pa noong siya ay nanungkulan bilang hepe ng NCRPO noong Hulyo ng nakaraang taon.
Sa huli, muli namang nanindigan si Nartatez sa publiko na kanilang paiigtingin ang internal cleansing sa hanay ng pulis sa Metro Manila upang maibalik ang tiwala ng publiko. | ulat ni AJ Ignacio