Pinagsusumite ng status report ng National Electrification Administration ang lahat ng electric cooperatives na naapektuhan ng malakas na lindol sa Davao Occidental kaninang madaling araw.
Ayon sa NEA Disaster Risk Reduction and Management Department, kailangan maipadala ang damage at power situation reports hanggang ngayong hapon.
Kasabay nito, inatasan ang mga EC na ibalik agad ang serbisyo ng elektrisidad sa mga lugar na hindi naman apektado ng seismic hazards ngunit pinatay ang linya para sa safety reasons.
Inaabisuhan din ang mga ito na magpatupad ng contingency measures tulad ng pag-activate ng emergency response organization kung kinakailangan at manatiling alerto sa mga aftershocks.
Dakong 4:48 ng umaga nang yanigin ng magnitude 6.7 offshore earthquake ang Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental.
Naramdaman ang pinakamalakas na pagyanig sa Glan, Malungon at Kiamba sa Sarangani
Marami pang lugar sa Mindanao ang nakaranas din ng mga pagyanig. | ulat ni Rey Ferrer