Mahigit 180 katutubong mangyan sa Oriental Mindoro ang tumanggap ng gift packs mula sa Department of Agriculture (DA) – Mimaropa Region.
Ang bigay na regalo ay mula sa pinagsama-samang ambag ng mga kawani bilang munting handog kahit lumipas na ang kapaskuhan.
Bukod dito, nagkaroon din ng feeding program para sa mga batang mangyan sa Barangay Balatasan.
Ang mga katutubong mangyan ay mula sa Brgy. Alcate, Victoria at Brgy. Balatasan, Bulalacao ng nasabing lalawigan.
Ayon sa DA, pinangunahan mismo ni Regional Executive Director Ma. Christine Inting at iba pang opisyal at mga kawani ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ang pamamahagi ng gift packs.
Naglalaman ang bawat gift packs ng bigas, canned goods, instant noodles, asukal, at patis gayundin ay nabigyan rin ang mga ito ng butong pananim. | ulat ni Rey Ferrer