Nagpapatuloy ang ginagawang rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga residente ng Davao Region na naapektuhan ng mga pagbaha bunsod ng sama ng panahon.
Kaninang umaga, mahigit 150 residente ng mga Barangay Don Chicote, Barangay Poblacion, Barangay Anitap, at Barangay Tibanban na matatagpuan sa Governor Generoso, Davao Oriental na inilikas ng PCG.
Sila ay dinala agad sa pinakamalapit na evacuation center, sa tulong ng PDRRMO, MDRRMO, PNP, BFP, at PA.
Sabi ng Office of Civil Defense, nasa 70,862 pamilya na ang apektado ng mga pagbaha, pagguho ng lupa at pag-apaw ng mga ilog mula pa noong Lunes.
Pito na ang naitatalang namatay matapos matabunan ng gumuhong bundok habang dalawa pa ang hindi nakikita sa Davao de Oro.
Nakapag-abot na ng kabuuang P6. 4 million halaga ng food packs at emergency assistance ang DSWD at lokal na pamahalaan sa mga biktima ng patuloy na pag-ulan. | ulat ni Michael Rogas