Pinangunahan ni National Prosecution Service, Prosecutor General Benedicto Malcontento ang ika-71 anibersaryo ng Criminial Investigation and Detection Group ng Philippine National Police o PNP-CIDG sa Kampo Crame ngayong araw.
Kasama ni Malcontento si PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr gayundin ang pinuno ng CIDG na si P/MGen. Romeo Caramat Jr sa naturang programa.
Nagpaabot ng kaniyang pagbati si Malcontento sa CIDG sa mga naging tagumpay nito sa kanilang mga nakalipas na operasyon.
Batay sa datos ng CIDG, mula Enero hanggang Disyembre ng 2023, aabot sa 11,424 operasyon ang kanilang ikinasa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 11, 558 na most wanted criminals.
Sa kampaya kontra criminal gangs, nasa 54 liders at 442 myembro ang naaresto, habang 125 Communist and Local Terrorist Groups ang nasakote at 9 na sa mga ito ang nasampahan ng kaukulang kaso.
Samantala, ini-ulat din ng CIDG sa kampanya kontra loose firearms, kabuuang 1,370 operations na ang kanilang ikinasa na siya namang nagresulta sa pagkakasabat ng 1,990 loose firearms, 435 explosives, at 41,244 assorted ammunitions.
Sa kampanya kontra ilegal na sugal nakakumpiska ang CIDG ng halos 4 na milyong pisong halaga ng bet money habang aabot sa mahigit 2,000 suspek mula sa higit 1,000 nilang police operations ang kanilang naaresto.
Habang sa kampanya laban sa Smuggling, Manufacturing, Distribution, and Trading ng Counterfeit Products/Items naka aresto ang CIDG ng 600 economic saboteurs mula sa 303 operasyon kung saan nakasamsam sila ng P16.2B worth ng mga pekeng produkto.
Sinabi ni Caramat na magpapatuloy ang CIDG sa kanilang misyon upang patuloy na bumaba ang krimen sa bansa alinsunod sa 5-Focused Agenda ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. | ulat ni Jaymark Dagala