Hinatiran ng tulong ng Department of Social Welfare and Development ang stall owners at market vendors sa San Fernando, La Union.
Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na apektado ang mga vendor nang masunog ang City Auxiliary Market noong nakaraang linggo.
Nagbigay ng kaukulang tulong na 1,500 family food packs ang DSWD Ilocos Regional Office sa lokal na pamahalan para sa pangangailangan ng mga pamilyang nasunugan.
Kaugnay nito, nagsagawa din ng koordinasyon ang DSWD Field Office CALABARZON sa Taytay, Rizal upang mabigyan din ng tulong ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay San Juan kahapon.
Abot sa 43 pamilya o kabuuang 200 indibidwal ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog. | ulat ni Rey Ferrer