Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng Regional Directors ng PNP, na imbestigahan ang posibleng pagkawala ng mga case folder ng mga pulis na isinasailalaim sa imbestigasyon.
Sinabi ng PNP Chief, naging karanasan niya noong siya ay Deputy Regional Director for Administration at miyembro ng Regional Appellate Board may mga pagkakataon na nawawala ang mga record ng kaso ng mga pulis.
Giit ng PNP Chief, hindi pwedeng basta nawawala ang mga naturang dokumento at kailangang mapanagot ang sinumang may hawak ng mga record kung meron mang nawawala.
Bilin ng PNP Chief sa mga Regional Director na gumawa ng systema katulad ng ipinatupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Giit ng PNP Chief, kung may negligence sa panig ng mga nag-iingat ng dokumento may kaakibat itong kaparusahan. | ulat ni Leo Sarne