Bibigyan ng 5% discount ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang mga negosyanteng makakapag-renew on-time at makapag-full payment ng kanilang business permit para sa taong ito.
Ayon sa LGU, maaari nang mag-renew ng business permit ang mga negosyante simula bukas, Enero 3 hanggang 20, 2024.
Binuksan na ang Robinsons sa Malabon para gawing venue sa pag-renew ng business permit, Lunes hanggang Biyernes, mula alas -8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Maaari ding gamitin ang online business permit registration. Magtungo lamang sa www.online.malabon.gov.ph at sundin ang mga hakbang sa buong proseso.
Samantala, ang bigay na 5 % discount sa mga makakapagbayad on-time at full payment ay suporta ni Mayor Jeannie Sandoval sa mga negoyasnte na magre-renew ng kanilang business permit. | ulat ni Rey Ferrer