Muling hinikayat ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang mga negosyante na asikasuhin na ng maaga ang renewal ng kanilang business permit.
Kasunod ng pagbubukas ng Business One-Stop Shops (BOSS) ngayong renewal season na muli.
Matatagpuan ang BOSS sa ALERT Multi-purpose Hall at mga piling 3S Centers na bukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon tuwing weekdays at alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon tuwing Sabado.
Tatagal ito hanggang January 20, 2024 na siyang deadline para sa business permit renewal.
Kaugnay nito, maaari ring iproseso ng mga negosyante ang kanilang permit sa pamamagitan ng 3S+ Online Services button sa official website ng LGU na www.valenzuela.gov.ph. | ulat ni Merry Ann Bastasa