Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang buong hanay ng PNP sa kanilang pagsisikap na magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.
Sa kanyang unang flag raising ceremony sa Camp Crame ngayong 2024, sinabi ni Gen. Acorda na patunay ng dedikasyon sa trabaho ng mga pulis ang
nakamit nilang 80% trust rating mula sa OCTA survey at highest complaint resolution na natanggap nila mula naman sa Civil Service Commission (CSC).
Hinikayat ni Gen. Acorda ang mga pulis na panatilihin ang mataas na “standard” sa kanilang sarili at panatilihin o higitan pa ang kanilang mga nagawa noong nakaraang taon.
Pahayag ng PNP Chief, ngayong 2024 ay dapat walang magbago sa tiwala at kumpiyansa ng tao sa kanilang organisasyon.
Pagkakataon aniya ang bawat araw na maging mas mabuting mga lingkod bayan at para maging inspirasyon sa kanilang mga kasamahan. | ulat ni Leo Sarne