Simula ngayong 2024 ay makakatanggap na ang rehistradong senior citizens sa Navotas City ng ₱1,000 birthday gift.
Inanunsyo ito ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na alinsunod sa Navotas City Ordinance No. 2023-44 o ang “Amended Birthday Cash Gift to Senior Citizens.”
Ayon sa alkalde, ang hakbang ay bilang pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga senior sa pag-unlad ng lungsod.
“We acknowledge the invaluable contribution of our senior citizens to the progress of our city. We hope to support them in fully enjoying their twilight years even through this small gift.”
Kasama sa makakatanggap nito ang mga senior registered voters ng Navotas at may ID mula sa City Social Welfare Development Office (CSWDO) o sa City Persons with Disability Affairs Office.
Kahit ang mga senior citizen na deactivated na ang voter registration dahil sa health reasons ay makakatanggap rin nito basta’t may maipresentang senior ID.
Bukod sa birthday gift, magkakaloob din ang pamahalaang lungsod ng ₱10,000 cash gift sa mga centenarian na Navoteños. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: Navotas PIO