Pinarangalan ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lt. Gen. William Gonzales ang mga sundalo na bahagi ng matagumpay na operasyon noong nakaraang linggo sa Barangay Taporog, Piagapo Lanao Del Sur na nagresulta sa nutralisasyon ng 9 na Dawlah Islamiyah terrorists.
Ipinagkaloob ni Lt. Gen. Gonzales ang military merit medal sa mga tropa ng 3rd Scout Ranger Battalion.
Bukod sa military merit medal, iginawad din kay First Lieutenant Allan Kenny Manuel, Second Lieutenant Feljoy Ending, at Private First Class Mark John Culaway ang Distinguished Conduct Star sa kanilang pangunguna sa assault team.
Habang 11 sundalo na bahagi ng operating force sa matagumpay na operasyon ang makakatanggap naman ng Gold Cross medal.
Kasama sa mga teroristang na-nutralisa sa operasyon ang 3 suspek sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City. | ulat ni Leo Sarne
📷: WestMinCom