Binigyang diin muli ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi kinikilala ng kaniyang administrasyon ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC).
Pahayag ito ng Pangulo kasunod ng mga napaulat na nakapasok na sa Pilipinas ang ilang miyembro ng ICC at tapos nang magsagawa ng imbestigasyon.
Sabi ng Pangulo, banta sa soberanya ng bansa ang pagkilala sa ICC at hindi tutulong ang pamahalaan, sa imbestigasyon nito.
“We do not recognize your jurisdiction, therefore we will not assist in any way, shape, or form, in any investigation that the ICC is doing in the Philippines.” — Pangulong Marcos.
Maaari aniya silang tumungo sa Pilipinas bilang bisita, ngunit sisiguruhin ng administrasyon na hindi sasagot ang anumang government agency na posibleng kausapin o lapitan ng ICC.
“In fact, binabantayan namin sila, making sure that hindi sila, they do not come into contact with any agency of government, and if they are contacting agencies of government, na sasabihin ng whatever, pulis, local government, ‘wag niyong sasagutin. Iyon ang sagot natin.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan