Nagsanib puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa isinagawang clearing operation sa mga ruta ng Translacion ng Poong Itim na Nazareno sa Maynila.
Ito ay upang matiyak na walang sagabal sa dadaanan ng Traslacion kung saan inaasahang dadagsa ang mga deboto.
Umabot sa 58 mga sasakyan na ilegal na nakaparada at sagabal sa ruta ng Traslacion ang inalis, habang 22 sasakyan naman ang nahatak ng MMDA sa naturang operasyon.
Tiniyak naman ng MMDA na all set na ito sa pagbibigay ng traffic at emergency assistance simula sa January 6, na araw ng Pahalik hanggang sa mismong araw ng Translacion sa January 9. | ulat ni Diane Lear