NCRPO, nagpasalamat sa Muslim Community sa pagtitiyak ng maayos at mapayapang Traslacion ng Itim na Nazareno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pakikiisa ng Muslim Community partikular na sa bahagi ng Quiapo, Maynila.

Ito’y para sa hangaring masigurong magiging maayos, mapayapa at matagumpay na pagdaraos ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay NCRPO Director, Police Major General Jose Melencio Nartatez, sinabi nitong puspusan ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa Islamic Community sa Quiapo para sa karagdagang seguridad sa okasyon.

Una nang tiniyak mismo ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. na wala silang natatanggap na seryosong banta kasabay ng Traslacion subalit patuloy ang ginagawang threat assessment hinggil dito.

Gayunman, hindi magbababa ng kalasag ang Pulisya at bagaman inaasahan nila ang pinakamagandang resulta ay pinaghahandaan din nila ang worst case scenario. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us