Nasa apat na pulis ang naitalang nagpositibo sa iligal na droga nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.
Ito ang iniulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. sa isang punong balitaan sa NCRPO Matapos magsagawa ng drug testing nitong pagpasok ng taong 2024.
Kung saan tatlo sa mga ito ay mula sa Eastern Police District at isa dito ay mula sa regional office ng NCRPO.
Dagdag pa ni Nartatez, ang mga pulis na nagpositibo sa drug testing ay kinuhanan na ng kanilang mga baril at ng police ID upang hindi na magamit ang kanilang katungkulan sa iba pang iligal na gawain.
Sa huli, muli namang siniguro ni Nartatez sa publiko na hindi nila ito-tolerate ang mga ganitong klase ng aktibidad ng pulis na gumagamit ng iligal na droga. | ulat ni AJ Ignacio