Nagpahayag ng kumpiyansa si National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na tuluyang mabubuwag ngayong taon ang lahat ng nalalabing napahinang Guerrilla Front ng New People’s Army (NPA).
Ang pahayag ay ginawa ni Usec. Torres, kasunod ng nutralisasyon ng mataas na opisyal ng CPP-NPA Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) na si Martin Colima alyas Moki, sa military operation sa Eastern Samar nitong Sabado.
Ayon kay Usec. Torres, ang pagkamatay ni alyas Moki ay dapat magsilbing “eye opener” sa mga nalalabing miyembro ng NPA na magbaba na ng armas at tanggapin ang alok na amnsestiya ng pamahalaan.
Ang organisasyon ng NPA sa Samar ang huling napahinang guerilla front mula sa pagiging aktibong guerilla front.
Una nang inihayag ng NTF-ELCAC na wala nang natitirang aktibong NPA guerilla front sa lahat ng rehiyon ng bansa at puspusan ang pagsisikap ng militar na mabuwag ang nalalabing 14 na napahinang guerilla front ng NPA ngayong taong. | ulat ni Leo Sarne