Operasyon ng bagong transport network company na inDrive, sinuspinde ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pagsuspinde sa operasyon ng bagong transport network company (TNC) na inDrive.

Ito ang napagdesisyunan sa ginanap na pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, pinatawan ng suspension ng LTFRB ang TNC dahil sa paglabag sa fare regulation ng ahensya.

Ang Lawyers for Commuters Safety and Protection ang nagsampa ng reklamo laban sa TNC na inDrive dahil sa pangongontrata ng mga pasahero.

Batay sa mga sumbong, nakikipagtawaran umano ng pamasahe ang inDrive partner drivers sa bawat booking na matatanggap ng mga ito sa application mismo ng nasabing TNC.

Ito ay kahit na mayroon nang nakatakdang pamasahe na makikita sa application para sa isang particular booking.

Ang RL Soft Corporation ang may-ari ng inDrive sa show cause order na inilabas ng LTFRB noong Enero 8, 2024. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us