Nasabat ng mga awtoridad ang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20 milyon sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa ML. Queen Highway, Brgy. Casuntingan lungsod ng Mandaue Cebu, Sabado ng madaling araw, Enero 6,2024.
Ayon kay Police Lt. Col. Franc Oriol , tagapagsalita ng Mandaue City Police Office, katuwang ng MCPO ang Philippine Drug Enforcement Agency VII sa ikinasang buy-bust operation laban sa babaeng subject na itinuturing na High Value Individual (HVI) sa drugs watchlist ng mga awtoridad.
Ang subject ay itinago lamang sa alyas na CHU at residente ng Brgy. Cabancalan Mandaue City.
Tinatayang nasa 3.050 kilo ng shabu na nakalagay sa 27 pakete ang nakuha ng mga awtoridad mula sa subject.
Ayon kay Oriol na una ng lumabas ang pangalan ng subject mula sa mga una ng nahuli na nauugnay rin sa iligal na droga.
Nahuli rin aniya noong Enero ng nakaraang taon ang subject sa lungsod ng Cebu ngunit nakalaya matapos mag-avail ng plea bargaining agreement.
Isinailalim sa dalawang buwan na surveillance ang subject bago ikinasa ang operasyon.
Ikinagulat rin ng mga awtoridad ang dami ng shabu na dala dala ng subject dahil kaunti lang naman umano ang bibilhin ng poseur buyer.
Napag-alaman rin ng mga awtoridad na ang subject ay siyang nagbebenta ng iligal na droga sa Mandaue City, Cebu City, Talisay City at bayan ng Minglanilla Cebu.
Makakapag-dispose rin aniya ito ng nasa tatlong kilo ng shabu kada linggo.
Dagdag pa ni Lt. Col. Oriol na posibleng supply para sa darating na malaking okasyon sa Cebu , ang Sinulog Festival ang nasabat na shabu.
Sa ngayon patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa koneksyon ng subject at ang papel nito sa mga transaksyon kaugnay sa iligal na droga.| ulat ni Angelie Tajapal| RP1 Cebu

Dagdag pa ni Lt. Col. Oriol na posibleng supply para sa darating na malaking okasyon sa Cebu, ang Sinulog Festival ang nasabat na shabu.