Tiniyak ng National Police Commission (NAPOLCOM) na aaksyunan nila sa loob ng 30 araw ang promosyon ng mga pulis.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na siya ring Chairman ng NAPOLCOM.
Ito’y sa isinagawang tradisyunal na New Year’s Call ng mga Opisyal ng kagawaran at PNP sa kalihim, na isinagawa sa Camp Crame ngayong hapon.
Ayon kay Abalos, titiyakin ng NAPOLCOM na hindi maantala ang desisyon sa mga promosyon ng mga pulis, aprubado man ito o hindi.
Sinabi ng kalihim na batid niyang pinaghirapan ng mga pulis ang pag-angat ng kanilang ranggo kaya marapat lang na mabilis maaksyunan ang mga ito. | ulat ni Leo Sarne