Extended hanggang February 9 ang pagbabayad ng mga negosyante ng buwis sa lungsod ng Maynila.
Ito ay matapos maisumite ni Manila Council Majority Floor Leader Ernesto “Jong” Isip, Jr., ang Resolution No. 14 series of 2024 at agad pinirmahan ni Manila Mayor Honey Lacuna.
Kabilang sa sakop ng naturang resolusyon ay ang aplikasyon ng business permits at licenses gayundin ang payment of taxes at iba’t ibang fees.
Paliwanag naman ni Manila Vice Mayor Yul Servo – ang buwis ang nagsisilbing dugo ng pamahalaan kaya naman kailangan bigyan ng konsiderasyon ang tax payers.
Paalala ni Servo sa tax payers, pwedeng gamitin ng mga ito ang ‘Go Manila’ app kung saan sa pamamagitan nito ay maari nang makapag-transact sa Manila City Hall kahit nasa bahay lang ang mga tax payer. | ulat ni Lorenz Tanjoco